Home

Advertisement

we cant have everything we want

  • Apr. 26th, 2008 at 9:18 AM

talagang ganu ng talaga. hidni natin makukuha lahat ng gusto natin sa buhay. i guess, kung ano nakatadhana, yun na yun. kasi, kahit gaano ko paikutin lahat ng mga mnangyayari, e, ganun parin naman ang bagsak. kagaya ng pamilya. kahit gaano ang hirap ko nuon para mahalin ako ng kung sino ako ng pamilya ko, hindi rin naman ganun ang naging resulta. ang kinalabasan,eto, bread winner ako na walang kwenta. tatawagan, i tetext dahil may kelangan.kadalasan, nakakalimutan pa nila itanong kung ok ba ako. alam ko, masama ang mga iniisip ko. pero yun kasi ang pakiramdam ko e. parang pagka problema, ako tinatawag. kapag masaya na ang lahat, gusto nila kasama na an ate ko sa eksena.

sa asawa naman, oo, responsable na ang asawa k. he'll make sure meron kakainin, yung needs sa bahay na poprovide. inaalagaan nya si ang anak namin, pero i cant feel my worth fro him. parang hindi sya ganun ka inlove sakin. parang may kulang. parang hindi pa ako sapat. hindi sya mapakali dito sa bahay. gusto nya lagi nasa layasan. siguro pagtanda namin, iiwa iwanan nalang nya ako...nakup !!! kawawa naman ako. at baka gayahin pa sya ng mga anak ko. na iniiwanan lang ako. di ba napaka selfish? hindi ako makapag isa kapag gusto ko makapag isa.pero kapag kelangan ko ng kausap, busy naman sya. hay..agn gulo ng schedule namin..tiis daw dahil nag aaral naman siya. pero ang utak ko, bibigay na yata. pano na kaya ito.

at...ang maganda,...eto, buntis ako.of course maraming adjustment..eto..no regrets. malaki paniniwala ko, worth it lahat ng sacrifices ko, pagdatin sa mga babies ko.

hay...Diyos ko po ! Basbasan nyo po ako at ang family ko...sa inyo lang po ako kumukuha ng lakas....
  • Leave a comment
  • Add to Memories
  • Share this!
  • Link

hello

  • Mar. 9th, 2008 at 12:31 PM

hello
  • Leave a comment
  • Add to Memories
  • Share this!
  • Link

Naiirita ako

  • Mar. 8th, 2008 at 9:46 AM

Naiirita ako kapag ang taong sinasabihan mo ng problema e, ay tatauban pa ng problema nya. Sinabi ko lang ang problema ko, e, nagtext ba naman na naiiyak daw siya kahapon. Ewan ko kung ano ang problema nya. Pero wala sya sa tamang oras bumirit. Ewan ko ba. E, ang bababaw lang naman ng mga sinasabi nya. Ay naku, magtigil nga siya. Siguro nga ayaw nya magbayad. Pero tigilan nya ako ng mga kaplastikan nya.

Mamaya, tatlong children's party aattendan ko, absent ako sa work. he,he. E, tutal wala na naman akong PEP. Ito yung additional 200 dollars na binibigay kasama ng sweldo kapag wala kang absent ng entire payday week. Kasi nga, isang linggo kaming nagkasakit ng anak ko at ng asawa ko, na hanggang ngayon e, kahol ng kahol. 

Makikita ko na naman ang kasamahan ko na mukhang kabayo, birthday ng anak nya e. At sa kabilang birthday party naman, ang may ari ng bahay na naknakan ng yabang. O, e di bale, basta maka attend lang ang anak ko ng birthday party, kahit mega plastikan lang iyan. Buti na lang, yung isang birthday party, matino. Hopefully. 

hay. Pasok na naman sa imbyernang ospital. Kung sa bagay, sumesweldo ako. At inaamin ko, in love talaga ako sa ginagawa ko at sa trabaho ko. Yun nga lang syempre, tao lang, napapagod din ano. 

Pinagtataka ko lang, bakit kaya suspende ang extnsion atm na pinadala ko sa nanay ko?

Hay kung pwede lang hatiin, na kumikita ako, at the same time e naaalagaan ko ang mga magulang ko. Sana mayaman na nga lang kami. Sana nanalo man lang ako sa lotto.

Hindi ko alam kung bakit nandito nga ako sa states, e, mukha parin akong gusgusin. Di ko parin maalagaan ng mabuti ang sarili ko. Ang pangit pangit ko na.

O, siya, masyado ng mahaba ito. Bye. 

Tags:

  • Leave a comment
  • Add to Memories
  • Share this!
  • Link

Makapal ang mukha

  • Mar. 7th, 2008 at 11:56 AM

Sa susunod kasi, huwag kasi ako masyadong maaawa sa mga tao. Kasi, sa sobrang awa ko, ayun, nagpahiram ako ng 850 dollars sa kaibigan ko. Dahil kakarating lang nya dito sa Alabano, at nakitira siya at ang asawa nya sa iba, naawa naman ako at nag offer ako na magpahiram ng pera pang down nila sa apartment na mapipili nila. Tapos, eto na, isang taon na ang nakalipas, nagkasakit ang mama ko at nasa ospital ngayon. aba, kung sensitive sila, sana, inuna muna nila akong bayaran man lang before sila bumili at magpundar ng kasangkapan di ba? At ngayon, may balak pa ata silang umuwi muna ng Pinas? Hala? Forgotten na ang utang? Okay..o, pano na nga iyon di ba? E, tatanga tanga kasi ako. Tapos, ang kawanggawang cellphone na pinahiram ko sa aswa nya, e, wantusawa na na ginagamit. though I am just paying for 10 bucks per month, kahit na. Pwede na naman kumuha ng cellphone di ba? Tako not. Isang taon na naman man di  ba?

Lesson: bawal na kasi ang sobrang mapagkawang gawa. Imbestigahan muna...baka mas mayaman pa ang pinapautang mo....
At hindi lahat may hiya ng kagaya ng hiya ko sa mga pinag kakautangan ko. Ako, datin binayaran ko muna lahat ng utang ko s Pinas. Bago ako nagpundar ng para sa Family ko at para sa sarili ko.  kelan kaya ako makakakita ng totoong kaibigan?

Tags:

  • Leave a comment
  • Add to Memories
  • Share this!
  • Link